Nai-turnover na ng US Military ang 4 ScanEagle Unmanned Aerial System (UAS) na nagkakahalaga ng P200-M ($4 million) sa Philippine Air Force sa ginanap na turn-over ceremony sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga nitong October 13.
Nakiisa si Chargé d’Affaires, ad interim (CDA) Heather Variava at Joined Commander of US Indo-Pacific Command Admiral John Aquilino at mga representante mula sa US Embassy na nasa Pilipinas at Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) sa ginanap na turn over ceremony kasama si Secretary of National Defense Delfin Lorenzana at Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes.
Isa ang Estados Unidos sa nagbibigay ng mabilis na tulong sa pag bebenta ng kagamitang pang sundalo bilang supporta sa modernization goals ng AFP at pangangailangan sa maritime security, kontra terorismo, humanitarian assistance at pagtulong sa panahon ng sakuna.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)