US Marines, nais magkaroon ng mas marami pang littoral exercise kasama ang AFP

by Radyo La Verdad | April 17, 2022 (Sunday) | 35884

METRO MANILA – Nais ng United State (US) Marine Corps Forces Pacific (MARFORPAC) na magkaroon ng mas maraming littoral exercise kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mas mapalakas ang littoral combat operations capabilities ng 2 grupo.

Sa isang courtesy call, pormal na ipinahayag ni US MARFORPAC deputy commander, Brig. Gen. Joseph Clearfield kay Philippine Navy chief, Vice Admiral Adeluis Bordado ang hangarin nitong magkaroon
ng littoral exercises kasama ang AFP.

Sakop ng littoral exercise ang pagsasagawa ng surveillance, mine-clearing, landing operations at iba pang combat shifting from water to ground na ginagawa malapit sa pampang.

Matatandaan naman na nagkaroon din kamakailan ng bilateral amphibious exercise (AMPHIBEX) ang US marine kasama ang AFP bilang bahagi ng Balikatan Exercises 2022 kung saan nasa humigit kumulang 9,000 Pilipino at Amerikanong sundalo ang nakilahok sa nasabing joint military exercises.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,