Sarado sa Lunes, February 15 ang embahada ng Estados Unidos sa Manila at iba pang opisinang kaugnay nito.
Ito ay dahil sa paggunita ng President’s day ng America.
Noong 1970 idineklara ng U-S Congress na upang mabigyan ng pagkilala ang mga naging presidente ng Estados Unidos, isang holiday na tinatawag na President’s day ang gugunitain tuwing ikatlong Lunes ng buwan ng Pebrero.
Balik operasyon ang embahada sa Martes, February 17.
Tags: Feb. 15, US embassy