Nag-courtesy call si United States Defense Secretary Ashton Carter kay Pangulong Benigno Aquino the third sa Malakanyang.
Dumating si Carter ng bansa nitong Myerkules habang nasa kasagsagan ang Balikatan Exercises ng US at Filipino troops.
Nakipagpulong rin kahapon si Carter kay Defense Secretary Voltaire Gazmin at Department of Foreign Affairs Secretary Rene Almendras.
Pangunahing layon ng pagbisita ni Carter ay ang lalo pang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Bukod sa pag-obserba sa Philippine-US Joint Military Exercises, bibisitahin rin ng US Defense Secretary ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan na malapit sa ilang disputed islands sa West Philippine Sea.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)
Tags: courtesy call, United States Defense Secretary Ashton Carter