Uri ng panahon o lakas ng hangin, hindi pa napatutunayang nakaka-apekto sa pagkalat ng Covid-19

by Erika Endraca | November 5, 2020 (Thursday) | 1197

Nanindigan ang Department Of Health (DOH) na ang droplet ng bodily fluids mula sa isang Covid-19 positive patient ang pinakapangunahing dahilan upang mahawa ng sakit ang isang tao.

Ginawa ng kagawaran ang pahayag upang pawiin ang pangamba ng ilan nating mga kababayan na posibleng bumilis ang transmission ng sakit ngayong panahon ng taglamig sa pamamagitan ng malalakas na hangin.

Sa ngayon, ayon sa mga eksperto ay walang ebidensya na nakakatulong ang panahon o klima man na lalong kumalat ang virus .

“Hindi siya airborne na kapag andiyan ang malakas na hangin dahil bigyay ng bagyo ay magkakaroon ng increased transmission although up to now wala pa pong ebidenysa na makakapagsabi that based on evidence the weather affects the transmission of the virus lie for example kung mainit namamatay ang virus kung malamig mas lalo ba sya nagpo- propagate.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Huwag rin anilang agad mabahala kung magkakaroon ng ubo at sipon– na kabilang sa sintomas ng Covid dahil hindi ito maiiwasan ngayong nasa flu season ang Pilipinas dahil malamig ang panahon.

Hindi ito nangangahulugan na mas madaling kapitan ng Covid-19 ang isang tao. Ngunit hindi rin naman ito dapat ipagwalang bahala.

“Kung sakaling merong isa sa household natin na may infection kaya ang patuloy naming paalala, iyong minimum health standards natin hindi porket (nasa bahay) hinid na tayo mag- mask hindi na tayo mag- physical distancing like for example you have asthma. Kapag may changes in weather itong mga taong may asthma, madali silag magkroon ng mga atake, mas vulernrable sila. Mas binabantayan” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nilinaw din ng doh na hindi dahil na may ubo at sipon ang isang tao ay kailangang sumailalim sa covid-19 testing

Nakasaad sa ipinatutupad na Covid-19 testing guidelines sa bansa na prayoridad pa ring isailalim sa testing ang mga may ipinakikitang sintomas at may exposure sa isang nag- positibo sa Covid-19

“Kapag Covid-19 hindi lang sintomas ang tinitignan natin. Kailangan natin isipin at tignan may exposure ba iyong tao para mas nagiging efficient tayo sa pagma- mamage natin ng mga kaso iyong likelihood na meron silang Covid-19 mababa dahil walang exposure.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Muling paalala ng DOH, palakasin ang resistensya laban sa anomang sakit lalo na ngayong may pandemya . Uminom ng vitamins, kumain ng wasto at masustansyang pagkain, mag- ehersisyo, huwag uminom ng alak at huwag manigarilyo Higit sa lahat huwag kalimutang manalangin sa Dios na mailayo sa sakit at maingatan ang bawa’t isa .

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: