Urban Garden sa Luneta park, binuksan na

by Erika Endraca | March 13, 2021 (Saturday) | 3108
Photo Courtesy: DA

Nagbigay ng maikling mensahe si Agricultural Secretary William Dar sa pagbubukas ng urban garden kahapon (March 12) sa Luneta Park sa Maynila. Binigyang diin ni Sec. Dar ang pagpapahalaga ng mga Pilipino, lalo na ang Metro Manila na mag produce ng sarili nilang pagkain sa panahon ng pandemya.

“Ang paggawa ng pagkain ay katumbas ng paglaban sa Covid-19, kaya dapat lahat ng Pilipino ay may access sa ligtas, sapat at masustansyang pagkain.” ani Agricultural Secretary William Dar

Sa pakikipagtulungan ng National Park Development Committee (NPDC) at sa suporta ng private seed companies Allied Botanical Corporation, Philippine Kaneko Seeds, at Harbest Agribusiness Corporation, Department of Agriculture (DA) through the Bureau of Plant Industry (BPI).

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Sec. Dar ang kanyang pagkilala sa NPDC at sa iba pang ahensya at institusyong nakikipagtulungan sa gobyerno na maging ligtas ang mga Pilipino, masustansya, at accessible na pagkain.

“Magtayo pa tayo ng permanenteng lugar sa luneta na maipapakita ang urban agriculture, upang makita ng mga tao at matutunan ang ibat-ibang technologie ng food production dagdag pa nya na ang pag aaral ay isang patuloy na proseso. Dapat hindi lamang dahil may pandemya” ani Agricultural Secretary William Dar

Alin sunod dito ang Agri Chief ay nagbilin sa BPI na ipagpatuloy na suportahan ang urban garden sa Luneta, at ang pag-set up ng green houses at vertical garden systems.

Nakahanda ang kalihim na bigyang daan ang kooperatiba ng mga magsasaka para sa produkto ng weekend markets sa ilalim ng Kadiwa ni Ani at Kita Program ng DA, para magbigyan ang mga Manileños ng mga sariwa, kalidad, at abot kayangang produkto para sa farmes at fishery.

Nagpasalamat si NPDC Executive Director Cecille Romero sa DA, BPI, at sa private seed companies sa kanalang pagsuporta at lalaong pagbuo ng urbna garden, at sa pangako na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan tungo sa seguridad ng pagkain.

Ang urban garden ay maroong 1000 square meter lot, na natataniman ng maraming gulay, tulad ng pechay, lettuce, talong, kamatis, mais, parsley, basil, mint, munggo, pipino, ampalay, at iba pa. Ito ay kahalintulad ng Rice Garden na inaalagaan ng DA, kasama ng Philippine Rice Research Institute.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: ,