Unveiling ng kauna-unahang microsatellite ng Pilipinas, isinagawa sa Japan Aerospace Exploration Agency

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 1552
Microsatellite ‘Diwata-1’ (REUTERS)
Microsatellite ‘Diwata-1’ (REUTERS)

Ipinakita na sa publiko ang kauna-unahang microsatellite ng Pilipinas, ang ‘Diwata-1’.

Isinagawa ang unveiling ng ‘Diwata-1’ sa Japan Aerospace Exploration Agency kahapon.

Ang Diwata-1 ay gawa ng Filipino Engineers.Magagamit ito sa pag analisa sa klima at lagay ng panahon sa bansa at makatutulong sa national security gaya ng pagmamanman sa West Philippine Sea.

Nakatakdang dalhin sa International Space Station ang ‘Diwata-1’ sa Marso at ila-launch sa space sa Mayo ngayong taon.

Tags: , ,