UNTV, pinarangalan ng isang Home for the Elderly dahil sa taos pusong pagtulong sa mga matatanda

by Radyo La Verdad | October 23, 2015 (Friday) | 2649

untv award graces dswad dswd

Ang Golden Reception and Action Center for the Elderly and Special Cases o GRACES ay nagsisilbing tahanan ng mga lolo at lola na wala nang mauuwiang pamilya.

Ang GRACES ay transit point ng mga ulilang matatanda bago sila dalhin sa isa pang Home for the Elderly Center sa Tanay Rizal.

Dito rin inaalagaan muna ang mga matatanda habang wala pang kumukuhang pamilya sa kanila.

Isa itong institusyon na pinamamahalaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Tulad ng ibang charitable institutions, tumatanggap ito ng mga donasyon at tulong sa ibat ibang sektor at kumpanya.

Sa ikatlong anibersaryo ng GRACES, muli nitong pinarangalan ang UNTV dahil sa taos pusong pagbibigay ng tulong sa mga matatandang kinukupkop ng institusyon.

Ilan sa mga serbisyong naibigay ng UNTV para sa mga lolo at lola na kinakalinga ng GRACES, ay ang pagbibigay ng libre at maayos na transportasyon patungo sa isa pang Home for the Elderly sa Tanay Rizal, at medical services tulad ng dental missions at iba pa.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng UNTV sa parangal na natanggap nito at nangakong patuloy na magiging parte ng mga public service projects ng graces lalo na ang pagtulong sa mga senior citizen.

Umaasa naman ang DSWD at pamunuan ng GRACES na magpapatuloy ang mga tulong na ibinibigay ng mga partners at donors nito para sa mga lolo at lolang kanilang kinakalinga.

(Darlene Basingan/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , ,