UNTV, kinilala ng Early Childhood Care and Development Council bilang kaisa sa adbokasiya sa wastong pagpapalaki ng anak

by Radyo La Verdad | December 13, 2017 (Wednesday) | 6165

Mahalaga para sa isang bata na mabantayang maigi mula sa pagkapanganak hanggang sa pagtuntong nito ng limang taong gulang.

Ayon sa Early Childhood Care and Development Council, sa ganitong edad nagsisimulang matuto ang bata sa poder ng kaniyang mga magulang.

Kaya naman kahapon, binigyang pagkilala ng ECCD ang kanilang mga kaisa sa adbokasiya sa wastong pagpapalaki sa anak.

Kabilang na rito ang UNTV na ang mga palabas ay makabuluhan at kapupulutan ng aral. Tulad na lamang ng programang KNC Show, ang nag-iisang bible-based kiddie show sa bansa.

Layon nitong magbigay ng karagdagang kaalaman at aliw, at magsilbing halimbawa ng mabubuting asal na dapat mahubog sa mga bata.

Muli namang bumida ang mga host ng KNC Show host na nagpamalas ng kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw.

Ang KNC Show ay isa lamang sa labing isang child-friendly programs ng UNTV na tumanggap ng Anak TV Seal.

 

( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )

Tags: , ,