UNTV, kinilala bilang isa sa mga outstanding stakeholder ng AFP

by Radyo La Verdad | May 14, 2015 (Thursday) | 1306

afp-award
Ipinagdiriwang ng Civil Relations Service ng AFP ang ika-64 na taong pagkakatatag nito.

Ang Civil Relations Service o CRS ay ang sektor na namamahala sa Information Support Affairs at Civil Affairs ng AFP.

Layunin ng CRS na makapagsagawa ng epektibong civil military operations bilang pagsuporta sa kabuuang misyon ng AFP.

Kaalinsabay ng pagdiriwang nito, isa ang UNTV sa mga tumanggap ng gawad pagkilala mula sa samahan dahil sa pagiging katuwang ng tv at radio station nito sa adbokasiya ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Ang public service program ng UNTV at AFP na “Bayanihan” ay may layuning i-educate ang mga kasangbahay sa kampanya ng AFP na Internal Peace Strategic Plan o IPSP Bayanihan.

Sa programa, binibigyang-diin din na peaceful solutions at hindi military solutions ang tugon sa suliranin ng kapayapaan sa bansa.

Bukod pa rito, naging paraan din ang UNTV Cup upang masuportahan ng AFP ang libreng pagpapaaral ng mga orphan at dependent ng mga sundalong killed at wounded in action.

Kamakailan din ay nagkapagkaloob rin ng isang milyong piso sa AFP sa pamamagitan ng inilunsad na songs for heroes concert.

Ito ay bilang pagsuporta na rin sa mga sundalong patuloy na nagbubuwis ng kanilang buhay upang tugisin ang mga rebelde, bandido at teroristang grupo sa bansa.

Samantala, ilan din sa mga binigyang parangal ang mga dati at kasalukuyang opisyales sa army, navy, airforce, civilians at iba pang mga katuwang ng sandatahang lakas ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa at paglilingkod sa kapwa.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)