UNTV, kauna-unahang television station sa bansa na nabigyan ng certificate na makapag-operate ng aerial drone

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 4401

Taong 2013 nang kauna-unahang lumipad ang UNTV Drone sa himpapawid ng Tacloban City sa Leyte. Malawak na nakita ang laki ng pinsala ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng aerial shot ng UNTV Drone.

At dito na nagsimula na magkaroon nang mas malawak na perspektibo ang publiko sa larangan ng pagbabalita sa Pilipinas.

News and Rescue, ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng drone ang UNTV.

Mula sa mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng bansa, ipinakita ng UNTV ang kakaibang anggulo ng news gathering. Kabilang dito ang mga pangyayaring lumikha ng ingay sa bansa.

Gaya ng Boracay closure, Benham Rise expedition, Palarong Pambansa, Laguna fish pen demolition, Zambales mining, MRT construction, pagputok ng bulkang Mayon, barangay at SK elections at Marawi siege.

Bukod dito naging kasangkapan rin ang UNTV Drone upang makakalap ng mga impormasyon na makakatulong upang makaiwas sa sakuna at makasagip ng buhay ng mga tao.

Kasama dito ang isinagawang mga earthquake drill sa bansa, ang taunang prusisyon sa Quiapo, mga aksidente gaya ng pagbagsak ng crane, sunog, baha at maging ang lumalalang problema sa traffic sa Metro Manila ay nakunan ng UNTV Drone.

Hinangaan rin nang makunan ng UNTV Drone ang mga okasyon, pangyayari at mga lugar na nagpasaya at gumulat sa sambayanan.

Kabilang dito ang new year celebration, pagbubukas ng klase, PMA Alumni Homecoming, Banaue Rice Terraces, dagat sa Baler Aurora, hot spring sa Bicol at mga tourist spot sa bansa.

Simula noon, sinikap na ng UNTV na makasunod sa ahensya ng pamahalaan na nagre-regulate sa paggamit ng drone sa bansa, at dahil dito, ipinagkaloob ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa UNTV ang operator certificate of registration, ang UNTV ngayon ang kaunaunahang TV station sa bansa na nabigyan ng karapatan na mag-operate ng drone ng ligal.

Bukod sa operator certificate of registration, lisensyado rin ng CAAP ang mga drone pilots ng UNTV na binubuo ng mga cameramen at news reporters.

Lisensyado rin ang lahat ng mga aerial drones ng UNTV na mayroong control number mula sa CAAP.

Lahat ng mga drone pilot ay dumaan sa training ng UNTV Drone Academy sa ilalim ng pagpatnubay ng CAAP at ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon. Kaakibat na ang public service sa lahat ng proyekto at gawain ng UNTV.

Ang UNTV ang nagpasimula ng news and rescue sa Pilipinas at kasama ang bagong teknolohiya gaya ng drone sa mga serbisyo publiko nito.

Kaya naman nabansagan ang istasyon bilang “The Public Service Channel”.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,