UNTV Fire Brigade, rumesponde sa sunog sa Bowling Center at Alumni Hostel ng U.P. Diliman Campus

by Radyo La Verdad | July 1, 2015 (Wednesday) | 2843

TMBB FIRE BRIGADE
Mabilis na tinupok ng apoy ang Bowling Area at Alumni Hostel sa loob ng campus ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City bandang alas-onse y medya kagabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na pinagtulungang apulahin ng rumespondeng UNTV Fire Brigade at iba pang Quezon City Fire Volunteers.

Ayon sa caretaker ng gusali, may narinig siyang pagsabog matapos makita ang isang lalaki na pumasok sa kanilang kuwarto. ilang sandali pa’y may napansin na silang usok kaya dali-dali silang humingi ng saklolo sa naka-duty na security guard.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa unang palapag ng gusali at posibleng problema sa linya ng kuryente ang sanhi nito

Tinatayang aabot sa halos dalawandaang libong piso ang halaga ng naabong ari-arian.

Nasa higit limampung estudyante ang apektado ng sunog; isa fire volunteer ang nasugatan matapos maka-apak ng pako sa kanang paa habang wala namang napaulat na nasawi.

Naideklarang fire out ang insidente makalipas ang isang oras.

Sa ngayon ay patuloy nang iniimbestigahan ng bfp ang pangyayari.

Tags: