UNTV Dive Team, nagsagawa ng cave exploration sa Subic Beach Sorsogon

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 1997

Matapos ang pakikiisa ng UNTV Dive Team sa special coverage ng himpilan sa makasaysayang underwater flag hoisting sa Philippine Rise, isa namang underwater cave exploration ang aming pinuntahan sa Subic Beach sa lalawigan ng Sorsogon sa Bicol Region.

Sa kuha ng UNTV drone makikita ang kahali-halinang puting buhangin sa baybayin pa lang ng isla. Habang nasa bangka, matatanaw na ang mga corals sa ilalim ng dagat  dahil sa linaw ng tubig. Sa loob lang ng limang minuto mula sa Subic Beach ay narating namin ang kweba.

Kasama si Luis at si Sandro ang ating mga UNTV dive instructors, sinisid namin  ang ilalim ng kweba, kung saan namalas namin ang natatanging nitong ganda.

Mababanaag sa ilalim ng dagat ang napakagandang sinag ng araw mula sa mga butas sa loob ng kweba, kaya ang inyong lingkod ay hindi rin nagpahuli  sa pagsisid sa makapigil hingang bahagi ng kweba. Kay raming maliliit na isda sa ilalim ng kweba, at maging mga juvenile batfish ay aking nasilayan.

Sinong mag-aakalang may ganito tayo kagandang kweba dito sa Subic Sorsogon, na animoy pang Hollywood scenes ang masisilayang underwater wonders.

Kaya naman sa mga nagnanais ng change of scenery at makaiwas pansamantala sa polusyon sa syudad, huwag nang lumayo pa at mag-enjoy sa cave exploration dito sa Subic Beach.

 

(Bryan Evangelista / UNTV Correspondent)

Tags: , ,