Walang sinayang na pagkakataon ang ating mga kababayan na nasa Rome at Milan, Italy.
Kasabay ng long weekend, isang bloodletting activity ang isinagawa sa Policlinico Hospital sa Rome. Kaya naman sinamantala nilang makiisa sa pagdonate ng dugo at makatulong sa mga nangangailangan nito.
Ilan sa mga nakiisa ay ang Members Church of God International (MCGI) at UNTV volunteers. Umabot sa labing walong bags ng dugo ang nalikom mula sa mga blood donors sa Rome at sa Milan.
Nagbigay naman ng saya sa ating mga kasangbahay ang mabuting adbokasiya nina Kuya Daniel Razon at Bro. Eli Soriano na paggawa ng mabuti.
Ikinatuwa naman ng mga doktor at staff ng Policlinico sa Rome at Avis sa Milan ang pakiisa ng ating mga kasangbahay sa ginawang bloodletting.
Bagaman malayo man sa bansang Pilipinas, hindi ito hadlang upang makagawa ng mabuti sa mga nangangailangan at upang makasuporta ang ating mga kababayan sa adhikaing isinusulong ng MCGI at ng UNTV.
Masaya naman ang ating mga kababayan dahil nakapagdonate muli sila ng dugo dahil ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama.
( Edith Artates / UNTV Correspondent )