UNTV at MCGI volunteers, sumailalim sa first aid and rescue preparedness sa California

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 3716

Wildfires, heatwaves, lindol, mass shootings at tumataas na crime rates, ilan lamang ito sa mga kinakaharap ngayon ng mga residente ng California.

Kaya alinsunod sa pinasimulan ni Kuya Daniel Razon na tulong muna bago balita, sumailalim ang news team at volunteers ng UNTV at Members Church of God International (MCGI) sa California, katuwang ang Los Angeles Department of Parks and Recreation sa isang araw na first aid and basic rescue training nitong nakaraang linggo.

Mayroong halos 700 lifeguards at rescue volunteers na sumasailalim kada taon sa training sa ahensya, kabilang na ang CPR, first aid, at disaster preparedness. Sa mga ganitong pagsasanay din dumaan ang mga volunteer ng UNTV at MCGI.

Ikinatuwa ng news team at volunteers ang una sa series ng trainings bilang paghahanda sa pagtulong sa kapwa gaya ng ginagawa ng UNTV News and Rescue sa Pilipinas.

Nagpasalamat din ang Department of Parks and Recreation ng Los Angeles sa UNTV at MCGI at hinikayat itong ipagpatuloy ang training para sa anomang sakuna.

Ayon sa Department of Parks and Recreation, mahalaga sa komunidad ang aktibong pakikiisa ng mga grupo gaya ng UNTV, MCGI, at ang kakaibang adbokasiya na Tulong Muna Bago Balita (TMBB) ay isang halimbawa na anila’y sana maipagpatuloy sa buong estado.

Tags: , ,