Universal Social Pension, inaprubahan sa 2nd reading ng House of Representative

by Radyo La Verdad | May 16, 2024 (Thursday) | 1556

METRO MANILA –Inaprubahan ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng Universal Social Pension para sa lahat ng mga senior citizen sa bansa.

Ayon sa sponsor ng batas na si Marikina City 2nd Representative Stella Quimbo, gagawing mandatory ng panukalang batas ang social pension sa lahat ng senior citizens.

Sa kasalukuyan, nakakatanggap na ng P1,000 buwan-buwan ang mga indigent na senior citizen.

Sa ilalim ng panukala, ang mga senior citizens na hindi pa bahagi ng programa ay tatanggap ng P500 kada buwan.

Tags: ,