United States, naglabas ng travel warning sa Mindanao

by Radyo La Verdad | December 21, 2016 (Wednesday) | 1118

travel-warning

Naglabas ngayong araw ang Estados Unidos ng travel warning sa Mindanao partikular na sa Sulu.

Pinapayuhan ng United States ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang pagbiyahe sa naturang lugar dahil umano sa patuloy na banta ng terrorismo, insurgent activities at kidnapping.

Lahat ng US government personnel ay kinakailangan naman munang kumuha ng special authorization mula sa Embassy Security Officials bago makabiyahe patungong Mindanao.

Una nang naglabas ng travel warning ang Estados Unidos para sa Mindanao noong April 2016 dahil sa kaparehong dahilan.

Tags: ,