Unilateral ceasefire sa mga rebeldeng grupo, idineklara ni Pang. Duterte

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 29965

PRES-DUTERTE
“I am now announcing a unilateral ceasefire with the CPP/NPA/NDF effective immediately and call on our fellow Filipinos in The National Democratic Front and its forces to respond accordingly.”

Ito ang isa sa mga highlight ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Sa kaniyang talumpati sa bayan, hinikayat niya ang lahat ng mga Pilipino, partikular na ang mga Moro, at mga miyembro ng rebeldeng grupo na tapusin na ang deka-dekadang pakikipagbaka ng Pilipino sa kapwa Pilipino.

Ani Pangulong Duterte, hindi matutumbsasan ng mga medalya ng kabayanihan at kagitingan maging ng cash assistance ang pangungulila ng bawat balo at naiwang anak ng mga nasawing sundalo at rebelde dahil sa pakikipaglaban.

Target ng ika-16 na Pangulo ng bansa na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Pilipinas bago pa man matapos ang kaniyang anim na taong termino.

Kaya naman naki-usap din siya sa CPP-NPA-NDF na tumbasan ang deklarasyon ng tigil-putukan ng pamahalaan.

Sa ika-20 hanggang ika-27 ng Agosto sa Oslo, Norway, nakatakda ang muling pag-uusap ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF tungkol sa pangmatagalang kapayapaang minimithi ng lahat ng mga administrasyong nagdaan.

(Rosalie Coz/UNTV Radio)

Tags: ,