Unilateral ceasefire, isasabay sa pagsisimula ng peace talks

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 2832

SILVESTRO-BELLO
Magdedeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan, kasabay ng pormal na pagsisimula ng usapang pangkapayapaan, na gaganapin sa Oslo, Norway

Itinakda na ikatlong linggo ng Hulyo ngayong taon ang pagbabalik sa negotiating table ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines.

“Pag nag resume kami, ang usapan namin magkakaroon ng unilateral ceasefire. Our president will declare a unilateral ceasefire and it will be reciprocated by the NDFP who will also declare a unilateral ceasefire. Pagkatapos niyan ay magkakaroon na ng meeting kung papaano ang mechanics ng ceasefire na yan.” Pahayag ni Incoming GPH Panel Chairperson Sec. Silvestre Bello III

Una nang isinagawa ang exploratory talks sa pagitan ng incoming government negotiating panel at NDF noong June 14 at 15 na pinamagitanan ng Royal Norwegian Government.

(UNTV RADIO)

Tags: