METRO MANILA – Bagama’t may ilang lokal na pamahalaan na tumatanggap na ng mga lokal na byahero na fully vaccinated gamit lamang ang vaccination cards bilang alternatibo sa negative RT-PCR result.
Iminumungkahi parin ng ilang LGU ang pagkakaroon ng sistema para maberepika kung authentic ito lalo’t magkakaiba ang disensyo ng vaccination card ng mga LGU.
Dahil dito, minamadali na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkakaroon ng unified vaccination certificate na hindi kayang pekein.
Pero ayon kay DICT Usec. Manny Caintic, nakasalalay ang mabilis na pagpapalabas ng vaccination certificate sa i-uupload na listahan ng mga fully-vaccinated mula sa lgu sa vaccination information management system.
“Ang atin pong hinihintay is magkaroon ng sapat na datus galing sa mga LGU ang binigay natin na deadline is July 31 by early august pwede na nating ilunsad ang vaccination certificate para sa ganun pag nag-request naman ang isang tao ng vaccine certificate ay nandoon ang record nya most likely.” ani DICT Usec. Manny Caintic.
Sakali naman aniyang hindi mapasama sa na-upload na mga pangalan ang isang nabakunahan, pwede itong i-apila sa LGU at iprisinta ang kanyang vaccination card bilang ebidensya.
“Yung vaccination card patunay na nyo na binakunahan ka ng LGU noong araw na yun at nung pangalawang dose mo, yung vaccine certificate is ang patunay bilang republika ng pilipinas lalo na for international travel.” ani ani DICT Usec. Manny Caintic.
Samantala, tiniyak naman ng DICT Na ang unified vaccine certificate sa bansa ay alinsunod sa digital international standards ng world health organization na kinikilala ng maraming bansa sa mundo.
Bukod sa hindi ito kayang pekein, madali pa itong gamitin kahit na walang internet.
“Yung sistema po nating ginagawa is yung internationally known standard publicly, privately encrypted meaning to say yung babaril kailangan lang nya yung public key na ibibigay natin sa mga verifiers hindi nila kailangang online yung public key ang magagamit para ma-decrypt para mabasa yung qr-code.”
Tiniyak naman ng DICT na sapat ang kanilang database para ma-accommodate ang 70 Million Pilipino na target mabakunahan kontra COVID-19.
(Janice Ingente | UNTV News)