UNICEF, handang magbigay tulong sa bansa matapos manalasa ang Bagyong Maring

by Radyo La Verdad | October 13, 2021 (Wednesday) | 10473

METRO MANILA – Matapos ang pananalasang dulot ng bagyong Maring sa Pilipinas, ipinahayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na handa silang umalalay sa bansa partikular sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

“UNICEF is closely monitoring the situation in areas affected by Typhoon Maring. We’re ready to provide humanitarian assistance when called upon by the government,” sinabi ng UNICEF sa isang post sa twitter.

Samantala, nitong Martes (October 12) 11 indibidwal na ang naiulat na nasawi sa mga lugar ng Cagayan, Palawan at Benguet habang 3 naman ang sugatan at 7 ang pinaghahanap pa ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ngayon ay tinatayang nasa 19,147 na indibidwal na ang apektado ng bagyo sa lugar ng Cagayan, Mimaropa, Caraga, at Cordillera Administrative Region, habang nasa 6,567 na ang nailikas dahil sa bagyo.

(Marc Aubrey | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,