Unemployment rate sa America, patuloy na bumababa

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 4012


Ayon sa ulat ng US Department of Labor, maganda ang forecast ng labor market sa bansa.

Bumaba umano ang bilang ng mga American na nagpa-file ng unemployment benefits. Ibig sabihin, patuloy na bumababa ang unemployment rate at halos full employment na ang US labor market sa bansa.

Sa inilabas ng ulat ng kagawaran, mula sa 300,000 na threshold o limit ay nasa 230, 000 lamang ang mga claims for unemployment na kanilang naitala. Pinakamababang unemployment rate na umano ito sa loob ng 17 years.

Sa kabilang banda ay sinabi ng Labor Department na may kakulangan ng skilled worker sa merkado at bumaba ang productivity ng mga manggagawa.

Ayon sa ilang ekonomista magiging problema ito para sa mga kumpanyang nais na mag expand ng kanilang operasyon.

 

( Nonie Ramos / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,