Epektibo na ngayong araw ang unang yugto ng Graphic Health Warning Law sa mga local at imported na sigarilyo.
May go signal na para sa inisyal na pagpapatupad ng naturang batas kung saan inoobliga ang mga kumpanya ng sigarilyo na ipaskil sa mga pakete ng sigarilyo ang larawang nagpapakita ng panganib na dulot sa kalusugan ng paninigarilyo.
Sa ilalim ng first phase ng batas, ipagbabawal na ang manufacture at importasyon ng mga produktong walang graphic health warning.
Sa Nobyembre 3 naman pasisimulan ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang tabacco products na walang health graphic warning.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, nasa labindalawang magkakaibang warning templates ang ilalagay sa mga pakete ng sigarilyo.
Tags: DOH, Graphic Health Warning Law, sigrarilyo