Sumentro sa mga magiging polisiya,mga reporma at programa gayundin ang mga nais isulong ng administrasyon ang naging laman ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte ayaw niyang matutok ang kaniyang talumpati sa paninisi sa iba.
“We cannot move forward if we allow the past to pull us back. Finger-pointing is not the way.”
Binigyang diin ng pangulo ang kampanya ng kaniyang administrasyon laban sa ilegal na droga
“There will be no let-up in this campaign. Double your efforts. Triple them, if need be. We will not stop until the last drug lord, the last financier, and the last pusher have surrendered or put behind bars.”
Inatasan rin ng Pangulo ang National Police Commission o NAPOLCOM na pabilisin ang imbestigasyon sa mga police officer na sangkot sa illegal na aktibidad at magsagawa ng lifesty check.
Tungkol naman sa West Philippine Sea issue, kinikilala anya ng bansa ang naging desisyon na ito ng arbitration court at tiniyak na ipagpapatuloy ang pagresolba sa territorial dispute sa mapayapang paraan.
Kaugnay ng usapang pangkayapaan, sinabi niya na handa niyang ibigay sa moro people ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Kaugnay ng pagpapatuloy ng formal talks, iniutos rin ng Pangulo na ipatupad sa madaling panahon ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF.
Nais ng Pangulo na isulong reporma sa pagbubuwis kung saan nais niya itong gawing simple at pababain ang personal at corporate income tax rates.
Gayundin ang pagpapaluwag sa bank secrecy law.
Ipinirinta rin ng Pangulo ang pangangailangan na maisulong ang federalismo,kung saan nanawagan siya na maisakatuparan ito sa loob ng ikaapat o ikalimang taon ng administrasyon.
Nais rin ng Pangulo na maipsa ang whistle blower bill, kasabay ng pagpapalakas sa witness protection program.
Amiyenda sa pagpapahaba ng validity ng passport mula limang taon sa sampung taon.
At ang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino na tututok sa mga problema ng mga OFW.
Iniulat rin ang ginawang niyang paglagda sa executive order para sa pagpapatupad ng Freedom of Information sa ehekutibo.
Inatasan rin ng Pangulo ang bagong departamento na Department of Information and Communication Technology o DICT na pag-aralan ang mga hakbang sa pagkakaroon ng mabilis na internet connectivity at maisulong ang libreng wifi access sa mga public places.
At upang malunasan naman ang congestion sa Metro Manila, inatasan ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensya na pag-aralan kung posibleng magamit ang mga secondary roads. Gagamitin na rin anya ang mga airport sa labas ng Metro Manila tulad sa Clark Airport.
Sa huli ng talumpati, nanawagan naman ng pagkakaisa ang Pangulo.
(Nel Maribojoc/UNTV Radio)
Tags: Pangulong Rodrigo Duterte, State of the Nation Address