Unang solo art exhibit ng KNC Show host na si Moonlight, bukas na sa publiko

by Radyo La Verdad | August 21, 2017 (Monday) | 3736

Isang panibagong milestone para sa proud kasangbahay at child prodigy na si Luke Alarcon o mas kilala bilang “Moonlight” na makapagsagawa ng kanyang kauna-unahang solo art show.

Labingdalawang taon nang magsimulang magpinta ang KNC Show host, at sa edad na labinlima ay may sarili na siyang exhibit. Naiiba ang konsepto ni Luke dahil ang kanyang mga obra ay unique combination ng magkaibang era.

Nais gamitin ng batang pintor ang kanyang talento upang makapagturo ng mabuting asal sa kapwa. Bakas ito sa titulo pa lamang ng kanyang mga artwork gaya ng “say please”, “respect the elderly” at ang kanyang main piece na “don’t say bad words”.

Napabilib naman ng batang artistik ang 89-year old Spanish artist na si Betsy Westendorp. Si Moonlight ay mula sa pamilya ng mga artist, mula sa kanyang ama hanggang sa mga kapatid. Very proud naman ang kanyang tatay sa narating ng kanyang bunsong anak sa murang edad.

Ang exhibit ni Moonlight ay bukas sa publiko sa Provenance Art Gallery sa Shangri-la, BGC, Taguig hanggang September 3.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,