Unang season ng UNTV Volleyball League, pormal nang pinasimulan

by Radyo La Verdad | August 22, 2023 (Tuesday) | 4306

SAN JUAN CITY — Intense volleyball actions mula sa 6 participating government agencies ang handog ng UNTV Sports sa pagpapasimula ng unang season ng UNTV Volleyball League (UVL).

Present sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City ang Breakthrough and Milestones Production International executives kabilang si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon, maging si Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachman na nagpahayag ng suporta sa layunin ng UVL na sports promotion at public service.

Sa first game ng season, nagpamalas ng matinding puwersa ang AFP Lady Gunnar nang walang maipanalong set ang Senate Lady Defenders na nagtapos sa 3-0 (Set 1: 25-18, Set 2: 25-18, Set 3: 25-14).

Inilista na rin ng PNP Lady Patrollers ang kanilang unang panalo sa liga nang makuha ang Set 1 (29-27), Set 3 (25-19), at Set 4 (25-22) kontra sa Judiciary Justice Servers na nanalo lamang sa Set 2 (28-26).

Sa pagtatapos ng game day, tinapos din ng Ombudsman Graftbusters sa sets na 3-1 ang  kanilang hill to hill game kontra DFA Emissaries. Isang set na lamang ang kailangan ng Ombudsman nang manalo sa Set 1 (25-18) at Set 2 (25-21) ngunit napigilan pa ng DFA na ma-sweep ng kalaban sa Set 3 (25-11).

Ang Set 3 win ay naging kapital ng Emissaries na manalo sa Set 4 ngunit kinapos ang koponan na nagresulta sa kanilang unang talo, 15-25 pabor sa Graftbusters.

Ang 3 laro na natunghayan ay patikim lamang ng UVL at mga team sa mga manonood na magbibigay ng mga dekalidad na games na may puso para sa mga nangangailangan ng tulong.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,