Unang oil exploration agreement sa ilalim ng Duterte administration, nilagdaan ng Pilipinas at isang Israeli firm

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 7451

President Rodrigo Roa Duterte signs the Petroleum Service Contract for East Palawan Area during a ceremony held at the Malacañan Palace on October 17, 2018. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumirma sa unang oil at petroleum exploration deal sa ilalim ng kanyang administrasyon sa pagitan ng Philippine Department of Energy at Israeli firm ratio petroleum limited company sa Malacañang kagabi. Layon ng Petroleum Service Contract (PSC) na paigtingin ang energy security at sustainability ng bansa.

Kasunod ito ng sinabi ng Pangulo na isa sa mga dahilan kung bakit hirap sa tuloy-tuloy na pag-angat ng ekonomiya ang bansa dahil lubhang naakaasa lamang ang Pilipinas sa oil importation.

Sakop ng naturang kasunduan ang oil exploration sa Area 4 ng East Palawan Basin na bahagi ng 5th Philippine Energy Contracting Round (PECR5).

Ang PECR5 ay binuo noong Mayo 2014 para sa transparent at competitive system ng paggagawad ng service o operating contracts sa mga inaasahang petroleum at coal areas sa bansa.

Sa pamamagitan ng petroleum service contract, mapag-aaralan ng Israeli ratio petroleum ang 416 thousand hectares na area 4 ng East Palawan Basin para sa potensyal na oil at gas resources.

Tinataya namang aabot sa 34.35 million USD ang magagastos sa data gathering at drilling activities na isasagawa nito sa loob ng pitong taon.

Pagtitiyak naman ng Malacañang, naaayon sa batas ang kasunduang ito na pinirmahan ng Pilipinas sa isang Israeli firm.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,