Unang nationwide simultaneous drill, isinagawa ngayong taon

by monaliza | March 27, 2015 (Friday) | 1098

earthquake-drill
Pinangunahan nina Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council Chair Voltaire Gazmin, NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama, MMDA Chairman Francis Tolentino at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) Director Renato Solidum ang first quarter nationwide simultaneous earthquake drill.

Ang Marikina city ang piniling maging ceremonial pilot venue samantalang ang AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo at LRT 2 Santolan station ang secondary pilot venues.

Ayon kay Office of the Civil Defense Public Affairs Office head Romina Marasigan, layunin ng drill na subukan ang national disaster response plan at ang contingency plan ng mga local government unit.

Bukod dito, susukatin din ang kapasidad ng pamahalaang rumesponde sa mga sakuna at kalamidad. ibabatay ang pagsukat sa kakayahang pangasiwaan ang incident command system, paraan ng paglilikas ng karamihang indibidwal lalo na ang mga kababaihan, bata, matatanda at mga may kapansanan, paglalagay ng mga evacuation center at pagkakaroon ng medical assistance at relief.

Kabilang din sa mga magsasagawa ng earthquake drill ang iba’t ibang lokal na pamahalaan, commercial establishment at non-government organizations sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ibinatay sa sa 7.2 magnitude na lindol ang earthquake drill kaninang umaga.