Unang kaso ng Omicron Subvariant BA 2.12, natuklasan sa Baguio City- DOH

by Radyo La Verdad | April 28, 2022 (Thursday) | 9539

METRO MANILA – Isang 52 anyos na Finnish female ang unang kaso ng BA 2.12 Omicron sub-variant sa Pilipinas.

Dumating sya sa bansa noong April 2 mula sa Finland.

Batay sa pahayag ng Department of Health (DOH), hindi ito inoobligang sumailalim sa routine isolation sa isang quarantine facility dahil siya ay fully vaccinated at  walang sintomas.

Nagbiyahe ito sa Quezon City at Baguio City upang magsagawa ng seminars.

Siyam na araw mula nang dumating sa bansa, saka ito nakaranas ng mild symptoms gaya ng sakit ng ulo at ng lalamunan.

Lumabas sa kaniyang RT-PCR test result na positibo ito sa COVID-19.

Siyam sa kaniyang close contact ay asymptomatic din habang 2 ay negatibo batay sa isinagawang COVID-19 testing.

Naka- recover ang naturang dayuhan matapos  ang 7- day isolation at bumalik na sa Finland noong April 21,2022

Tiniyak ng DOH na patuloy ang Biosurveillance efforts sa bansa upang matukoy kung may mga nakakapasok na bagong COVID-19 variants of interest o concern.

Sa kasalukuyan ang BA 2. 12 Omicron sub-variant ay hindi pa idinedeklara ng World Health Organization kung ito ay variant of interest o variant of concern.

Batay sa mga ulat ng kga siyentipiko, wala pang matibay na ebidensya kung ang BA 2.12  Omicron sub-variant ay mas mabagsik kumpara sa ibang COVID-19 variants at sublineages

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,