Isang 80 taong gulang na lalakeng turistang Chinese sa France ang nasawi dahil sa Coronavirus Disease – 2019 (COVID-19) noong Sabado (Feb. 15).
Ayon sa French Health Minister January 25 pa dinala sa Bichat Hospital sa Northern Paris ang biktima matapos magpositibo sa COVID-19.
Ito na ang unang kaso ng nasawi sa Coronavirus Disease sa labas ng Asya. Sa France mayroon nang 11 kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Nakapagtala na rin ng unang nasawi dahil sa COVID-19 ang Taiwan. Ito ay isang 60 taong gulang na na lalake at isang taxi driver.
Walang travel history sa China ang biktima subalik may naisakay itong mga turista mula sa Hongkong, Macau at Mainlad China ayon sa Taiwan Health Minister
Isang Japanese National naman ang nagpositibo rin sa COVID-19 matapos magbakasyon sa Hawaii.
Ang nasabing Japanese national at ang kanyang asawa ay namalagi sa Island of Mauwi mula January 28 hanggang February 3 bago sila pumunta sa Oahu pabalik sa Japan.
Naniniwala ang mga otoridad na carrier na ito ng virus bago pa ito pumunta sa Hawaii. Hinahanap na ngayon ng health authorities ang mga nakasalamuha nito sa Hawaii.
Samantala umabot na sa 68, 500 ang kaso ng Coronavirus Disease sa Mainland China at nasa 1,668 na ang bilang ng mga nasawi base sa report ng China national health commission.
Halos 700 kumpirmadong kaso naman ang naitala sa 24 na bansa habang 5 na rin ang nasawi sa labas ng China.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: Coronavirus Disease