Unang kaso ng H7N9 Avian Influenza, kinumpirma sa Hongkong

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 1358
Hongkong Center for Health and Protection(REUTERS)
Hongkong Center for Health and Protection(REUTERS)

Kinumpirma ng Hongkong ang unang kaso nito ng H7N9 Avian Influenza.

Ayon sa Hongkong Center for Health and Protection ang pasyente na isang anim na taong gulang na lalake ay nasa stable condition na.

Ayon sa ulat noong February eight ay nakaranas ang pasyente ng mataas na lagnat, ubo at hirap sa paghinga.

Kaagad namang sinuri rin ang pamilya ng lalake ngunit nagpositibo ang mga ito sa virus.

Sa ngayon ay minomonitor na ng health department ng bansa ang mga nakahalubilong tao ng pasyente.

Tags: , ,