Hiniling ng House of Representatives na suspindihin ang Bicameral conference committee meeting ngayong araw upang mapag-aralan ang mga amendment na ginawa ng Senado.
Sinabi ni HOR Minority Leader Ronaldo Zamora, kakatanggap pa lamang nila ng resulta ng amendment at siya ay humihiling na magkaroon muna ng matrix nang sa gayon ay madaling maipagkumpara ang bersyon ng Kamara at Senado. Dagdag pa ni Zamora ay bigyan sila ng hanggang sa susunod na linggo upang mabusising maiigi ang amendment sa budget.
Sinabi ni senate committee on Finance vice chair Senator Bam Aquino, maaaring maatras ang inaasahang deadline ng pagsusumite ng pinal na resulta ng Bicam sa December 4.
Ayon naman kay Senator Ralph Recto, mabuti na rin na nasuspinde ang meeting ngayong araw upang mas mabigyan ng pagkakataon ang kongreso na mapagaralan ang mga pagbabago na ginawa para sa 2016 National budget.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)
Tags: 2016 National budget, Bicameral Conference Committee, HOR Minority Leader Ronaldo Zamora