Noong isang linggo, nasaksihan natin ang WISHclusive performances ng unang batch ng WISHful 20 sa online singing competition ng WISH 107-5, ang WISHcovery.
Pagkatapos dumaan sa pagkilatis ng publiko sa pamamagitan ng power viewing, narinig naman natin sa ikalawang episode ang komento ng resident reactors. Ito ay sina vocal coach Annie Quintos, music producer Jungee Marcelo at Philippine King of R&B Jay-R.
Unang sumalang ang theater performer mula sa Cavite na si Al Fritz Blanche sa awiting “Kunin mo na ang lahat sa akin”.
Ibinigay naman ni Carmela Ariola ang kanyang “very best” sa kanyang pag-awit ng Dingdong Avanzado classic na “Maghihintay sa ‘yo”.
Pinatunayan naman ni Diana Tabitha Caro, isa sa pinakabatang finalists, na hindi siya nagpapahuli sa kumpetisyon sa kanyang performance ng Morissette hit na “Akin ka na lang”.
Samantala, binigyan ng sariling flavor ng music student na si Louise Anne Manuel ang Eraserheads smash na “Spoliarium”.
Batay sa final score tally, nangunguna sa ranking si Carmela Ariola na may score na 89.73%.
Samantala, nagpaalam na sa kumpetisyon si Daniel briones na tumanggap ng five thousand-pesos consolation prize. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat nito sa pagkakataong maka-awit sa one and only WISH bus.
Mamayang alas nueve ng gabi ay mapapanood na sa official youtube channel ng WISH 107-5 ang WISHclusive performances ng second batch ng WISHful 20.
(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)
Tags: Wish 107-5, wishcovery, WISHful 20