Matapos ang nakamit na tagumpay at mainit na pagtanggap ng publiko sa unang season ng WISHcovery ng WISH 107.5, nagbabalik ang biggest online talent search para sa panibagong yugto nito
Ngunit kaiba ito sa naunang season dahil isang bagong konsepto ang binuo ng innovator sa likod kompetisyon na si Kuya Daniel Razon, ito ang tinatawag na “The Singer and The Song”.
At noong Myerkules, nagsimula na ang paghahanap sa susunod na magiging kampeon sa WISHcovery Season 2.
Sa pagbubukas ng ikalawang season ng WISHcovery, lilibutin ng WISH 107.5 ang buong Pilipinas para hanapin ang susunod na singing sensation.
Ang first stop, ang Naga, Camarines Sur. Pinilahan ng mga pambato ng Bicol ang unang araw ng audition.
Bukod sa mga baguhan, mayroon ring mga nagbabalik na auditionee mula sa season 1 para muling tangakain na makapasok sa patimpalak.
Samantala, proud naman si Lyka Boñol sa kanyang mga kababayan. Si Lyka ang representative ng Naga City at kasama sa WISHful 20 ng WISHcovery Season 1.
Susunod namang dadayuhin ng WISH 107.5 ang Malolos, Bulacan para sa next leg ng WISHcovery auditions sa ika-9 ng Agosto.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Naga city, Wish 107-5, wishcovery