Unang bahagi ng SSS pension hike, ibibigay na sa Enero kahit ‘di pa pasado sa kongreso ang joint resolution– Rep. Zarate

by Radyo La Verdad | December 14, 2016 (Wednesday) | 864

nel_rep-zarate
Huling sesyon na ng Kongreso ngayong araw at sa susunod na taon na matatalakay ang ilang mahahalagang panukalang batas.

Kabilang na rito ang pagpapasa sa Lower House ng joint resolution para sa 2,000 peso across the board increase sa pension ng mga Social Security System members.

Sa kabila nito, ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, nangako ang sss na ipatutupad na nito ang unang isanlibong pisong dagdag sa pension sa Enero.

Ang ikalawang yugto ng pagtataas na karagdagang isanlibong piso ay ipapatupad naman sa taong 2019.

Kasabay ng pagsusulong sa pagtataas sa pension, nakapasa na rin sa second reading ng Lower House ang panukalang amiyendahan ang charter ng SSS.

Batay sa House Bill number 2158, maaari nang mag-apruba ng pagtaas sa kontribusyon o premium ang mga board member kahit na walang approval ng pangulo ng bansa.

Kapag tuluyang naisabatas, posibleng tumaas na rin ang sinisingil na kontribusyon sa mga miyembro ng SSS kasabay ng umento sa buwanang pension ng mga retiradong miyembro.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,