Napagsabihan ni Sandiganbayan 5th Division Associate Justice Rafael Lagos ang abugado ni dating Senador Jinggoy Estrada dahil sa umano’y late na pagsusumite ng motion sa korte.
Dahilan umano kaya nade-delay ang proseso ng kaso. Sa mosyon na inihain ng depensa, kinuwestiyon nito ang draft-pre-trial order.
Kunuwestiyon din ng kampo ni Estrada ang prosekusyon dahil hindi sila binigyan ng kopya ng ilang mga dokumentong gagamitin ng mga ito sa paglilitis.
Samantala nagsumite rin ang kampo ni Estrada ng panibagong mosyon upang payagan itong ma-confine ng 2 araw sa ospital para sa ilang mga komplikasyong nakita sa kanyang blood tests.
Si Estrada, ay nahaharap ngayon sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil sa umanoy pagtanggap nito ng 183-million pesos na kickback mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Kasalukuyan itong nakakulong sa PNP Custodial Center.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: dating Sen. Jinggoy Estrada, kasong plunder, Sandiganbayan