UN, EU at Japan, pinuri ang Pilipinas sa landmark na Bangsamoro Organic Law

by Radyo La Verdad | July 30, 2018 (Monday) | 6543

Sunod-sunod ang ginawang pagkilala ng United Nations, European Union at bansang Japan sa Pilipinas dahil sa wakas ay naisabatas na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Nitong nakalipas na Huwebes, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 155 pages na landmark law.

Ang Bangsamoro Organic Law ang batayan nang itatagag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at magbibigay dito ng fiscal autonomy.

Ayon sa United Nations, isang landmark achievement tungo sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao ang BOL.

Ayon naman sa European Union, pagkakataon ito para sa mga Pilipinong makamit ang inaasam na kapayapaan at stability matapos ang deka-dekadang kaguluhan sa Mindanao.

Kapwa naman nagpahayag ang dalawang world organization gayundin ang bansang Japan ng commitment nitong suportahan at tumulong sa pagpapatupad ng BOL.

Samantala, umapela naman si Pangulong Duterte sa mga Moro group na bigyangdaan ang BOL gayundin ng patuloy at maayos na pakikipag-usap sa pamahalaan alang-alang sa kapayapaan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang bisitahin nito ang mga apektadong residente ng sunog sa Brgy. Bus-Bus sa Jolo, Sulu nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

Samantala, inaasahang magkakaroon pa ng ceremonial signing sa BOL ang punong ehekutibo kasama ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,