Umiiral na El Niño, posibleng lampasan pa ang pinakamalakas na El Niño sa kasaysayan

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 3003

REY_EL-NINO
Kapansin-pansin sa mga siyentipiko ang tindi ng init ng temperatura sa dapat Pasipiko.

Kahit na nasa kategoryang “strong El Niño” ay patuloy paring tumataas ang init ng temperature sa karagatan.

Ayon sa PAGASA, pahiwatig ito na maaring lampasan pa ang record noong 1997-98 El Niño kung saan ang sea surface anomaly o ssta ay umabot sa 2.7.

Sa pagdaan ng bagyong Lando, naibsan ang kakulangan ng tubig sa Northern at Central Luzon subalit may mga lugar sa bansa na apektado parin ng tagtuyot dahil sa madalang na mga pag-ulan

Nakikita ng pagasa na lalong maaapektuhan sa mga susunod na buwan ang Western part ng Mindanao gaya ng Zamboaga, Cotabato, Sultan Kudarat at bahagi ng Lanao.

Sa Disyembre, inaasahang umabot na sa mahigit sa 60% ng bansa ang apektado na kakulangan sa ulan.

Posibleng tumagal pa ang epekto ng El Niño sa bansa sa kalagitnaan ng 2016.

Sa susunod na linggo ay magkakaroon ng El Niño conference sa New York kung saan paguusapn ng iba’t-ibang siyentipiko mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang posibleng impact ng climate change sa mundo.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)

Tags: ,