Umento sa sahod, hiniling ng mga pribadong manggagawa sa Zamboanga Peninsula

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 1947

DANTE_WAGE-HIKE
Tatlong taon na nang hindi nakatanggap ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 9 ng petisyon sa wage hike o umento sa sahod ng mga manggagawa.

Simula ito noong ipatupad ang karagdagang 13.00 pesos wage increase alinsunod sa wage order no. RIX-18 noong 2013 at gayun din ang minimimum wage of kasambahays base naman sa R.A 10361 o mas kilalang the kasambahay law na epektibo noong February 2013.

Sa isinagawang Wage consultation sa Zamboanga City na dinaluhan ng ibat-ibang sektor partikular ng mga grupo ng pribadong manggagawa at employers. Muling hiniling ng mga manggagawa ang karagdagang umento sa sahod nang hindi bababa sa 20 pesos habang karagdagang 500 pesos naman ang nais ng mga kasambahay mula sa kasalukuyang 2000 pesos na buwanang sahod.

Sa kasalukuyan, nakakatanggap nang hindi lalagpas sa 280 pesos ngunit hindi naman bababa sa 230 pesos bilang daily minimum wage rates ang mga manggagawa sa region 9.

Mas mataas ang ang makukuhang sahod ng mga nasa non-agricultural industry o sector tulad ng private hospital, educational institutions at mababa sa mga agricultural sector.

Hindi naman tumutol ang mga employers’ representative sa hiling na umento ngunit ipinapaubaya nila sa regional tripartite wages and productivity board ang pagpapasya kung kailangan bang pagbigyan ang kahilingan ng mga manggagawa.

Ayon naman sa board magkakaroon sila ng isang buwang pag-aaral bago maglabas ng disisyon.

Ito ay upang magkaroon ng magandang resulta dahil hindi naman aniya agad maibigay ang hiling ng mga labor groups kung hindi magkaroon ng balanseng pag-aaral kung paano ito makaapekto sa panig ng mga employers.

Kabilang na rito ang posibleng pagtatanggal ng mga empleyado kung sakaling magkakaroon ng panibagong pagtaas sa sahod.

Ngunit ayon naman sa mga labor groups na kung sakaling hindi sila mapagbibigyan sana ay magkaroon sila ng ibang benepisyo tulad na lamang ng food, communication at trasportation allowances.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,