METRO MANILA – Ipapatupad na simula sa hunyo ang mas mataas na rate sa philhealth contribution ayon kay PhilHealth Spokesperson Doctor Shirley Domingo.
Para sa mga may buwanang sweldo na P10,000 o mas mababa pa ay P100 ang dagdag singil na hahatiin pa ng empleyado at employer.
Habang ang mga sumusweldo ng higit P10,000 ngunit hindi aabot sa P80,000 , ang premium rate ay 4% ng sweldo na nasa pagitan ng P400 at P3,200.
Habang may flat rate na P3,200 kada buwan ang mga kumikita ng P80,000 o higit pa.
“The amount of 4 percent will start January. Ngayon, yung January to May na differential—kasi nakapagbayad naman sila ng 3 percent na eh. So, one percent na lang ang differential can be paid up to December.” ani PhilHealth Spokesperson, Dr. Shirley Domingo.
Tiniyak naman ng PhilHealth na ang mga karagdagang bayad ng mga miyembro ay para din sa karagdagang benepisyo.
(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)
Tags: PhilHealth Contribution