METRO MANILA – Makakatanggap na ng P40 na dagdag sa arawang sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa MIMAROPA region.
Epektibo ang umento sa minimum wage simula sa December 7 batay sa inaprubahang kautusan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
P1,000 naman ang dagdag sa minimum na buwanang sahod ng mga kasambahay o domestic workers na magiging P5,500 na.
Halos 47-million na mga manggagawa sa rehiyon ang makikinabang sa taas sahod.
Sakop ng MIMAROPA region ang Mindoro provinces, Marinduque, Romblon at Palawan.
Tags: MIMAROPA