Umano’y yaman na nakaw ng mga Marcos, dapat magkaroon ng proper accounting- Sen. Bam Aquino

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 3053

Dapat magkaroon ng proper accounting ang umano’y ill-gotten wealth ng mga Marcos matapos magpahayag ang mga ito ng kagustuhang maisauli sa pamahalaan ang bahagi ng kanilang ari- arian ayon kay Senator Bam Aquino.

Aniya, kailangang matukoy kung ano ang tamang halaga ng dapat maibalik ng pamilya at hindi dapat makuntento ang pamahalaan sa maliit lamang na halaga na isasauli ng mga ito.

Nais din ng ilan sa mga senador at ilang kongresista na harapin ng mga Marcos ang pananagutan sa isyu ng nakaw na yaman. Hindi umano dapat mangahulugan na ang pagsasauli ng mga ito ng yaman ay hindi na sila mananagot sa batas at makakasama na lamang sa mga kaso ng impunity.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, ipapaubaya niya sa Department of Justice kung ano ang marapat na harapin ng pamilya Marcos sakaling mapatunayang nakaw na yaman ang ibabalik ng mga ito sa pamahalaan.

 

 

Tags: , ,