Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng galing sa China ang mga tagong-yaman ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ito aniya ay noong bahagi pa ang senador ng backdoor talks upang resolbahin ang isyu sa Panatag o Scarborough Shoal noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Kasama na umano dito ang 75,000 US dollars na nasa isang Swiss Bank at 193,000 ngunit ‘di tinukoy ang currency na nasa isang bangko sa Singapore.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang interview na inilabas sa government-run television network na PTV-4
Tags: China, duterte, sen. trillanes