Umano’y tagong yaman ni Comelec Chair Andy Bautista, pinaiimbestigahan na ng DOJ  

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 2678

Inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang NBI na imbestigahan ang ibinunyag ni Mrs. Patricia Paz Bautista na umano’y tagong yaman ng asawang si Comelec Chairman Andres Bautista.

Batay sa salaysay ni ginang Patricia, posible umanong nagkamali si Chairman Bautista ng aabot sa isang bilyong pisong nakaw na yaman.

Kabilang dito ang tatlumput limang bank accounts sa Luzon Development Bank na umaabot sa 329-million pesos ang kabuuang balanse, isang condominium unit sa Bonifacio Global City at isa pang condo unit sa San Francisco, California sa Estados Unidos.

Partikular na ipinaaalam ni Aguirre ang posibleng pananagutan ni Bautista sa kabiguan nito na ideklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth o SALN ang sinasabing mga bank accounts at mga ari-arian.

Kasama rin sa pinaiimbestigahan ang posibleng paglabag ni Bautista sa Anti-money Laundering Law at kaparehong mga batas. Magpapatawag naman ng hiwalay na imbestigasyon sa kamara si KABAYAN Party-list Cong. Harry Roque.

Nakita umano niya ang ilan sa mga dokumento at may indikasyon na posibleng tumanggap ng suhol si Bautista mula sa smartmatic.

Hindi tinukoy ng kongresista ang Law Office ngunit mahalaga aniyang matiyak na may bahid ang integridad ni Chairman Bautista.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,