Umano’y suhulan sa Speakership sa Kamara, kinumpirma ni Cong-elect Alan Peter Cayetano

by Radyo La Verdad | June 18, 2019 (Tuesday) | 6263

METRO MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano sa dikitang labanan nila ng lima pang mga Kongresista sa pagka House Speaker na may namimigay ng pera sa Congress at hindi lang pera, kundi may kasama pang papel na nagsasabing pirmahan nyo ito.

Una nang tinanggi ng mga Kongresistang nagnanais na maging House Speaker ang isyu ng suhulan. Pero ayon kay Cayetano palaki pa ng palaki ang alok, pero tumanggi siyang pangalanan ang nasa likod nito.

“Actually now ang offers ay more than money may kumausap sa akin na nago-offer ng 200-million pero Congressman na project sa Party-list.” Ani Taguig Cong-elect Alan Peter Cayetano.

Ayon pa sa kanya, bago pa man siya kumandidatong Kongresista ay may pag-uusap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa Speakership.

“Hindi naman ako magre-resign sa dfa na walang plano, na wala kaming napagusapan.” Dagdag pa ni Cayetano.

Pero sinabi ni Cayeteno na dahil marami siyang katunggali, pinagusapan na ang term sharing nang magpunta sila sa Japan kasama ang Pangulo.

 “Nasabi ko sa ating Pangulo na payag na ako kahit na I was expecting  3 years na hati kmi ni Alan Velasco ang problema ayaw pa niya pumayag doon.” Ayon kay Cayetano.

Nilinaw naman ni Cayetano na maayos ang kanilang relasyon ni Davao City Mayor sara Duterte-Carpio. Ito’y matapos magkaroon ng usapin ang dalawa dahil sa umanoy sinabi ni Cayetano na posibleng mabuwag ang administration coalition kung ieendorso ni Duterte-Carpio si Velasco.

 “There has been some communication pero pabayaan mo muna na ma sort out namin maaari ngang iba ang pagkarining iba ang pagkarinig, iba ang pagkasabi. If she feels that way I am hurt and sorry if she feels that way but hindi ganun talaga.” Ayon kay Cayetano.

Ngayong araw ay nasa isang Duterte Administration’s Economic and Legislative Agenda meeting sa Clark Pampanga si Cayetano kasama ang nasa mahigit 20 Kongresista at ilang cabinet Secretaries upang pag-usapan ang Economic and Legislative Agenda ng administrasyon sa natitirang tatlong taong termino ng Pangulo.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , ,