Umanoy Sri Lankan terrorist na planong magpasabog sa bansa, itinanggi ang alegasyon – AFP

by Erika Endraca | August 12, 2019 (Monday) | 18703

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lumabas na balita sa isang online news noong Sabado (August 10)  na mayroon umanong 2 suicide bomber na nakalusot sa bansa at planong umatake sa mga simbahan sa Luzon.

Sa inilabas na statement ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, base sa affidavit na isinumite ni Victoria Sophia Sto. Domingo sa NBI- Counter Terrorism Division noong July 22, 2019, nakasaad doon na ang kanyang ama na si Diosdado Manolette Mortalla Sto. Domingo ang nag tip ng kasinungalingan sa mga otoridad at sinabing sila ay terorista. Dagdag pa ni arevalo na isa itong away pamilya.

Paalala niya sa mga media, i-validate na mabuti ang mga natatanggap na impormasyon bago ibalita upang hindi maghatid ng takot sa publiko.

Tiniyak din ni Arevalo na mahigpit ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang hindi malusutan ng mga nais na manggulo sa bansa.

(Lea Ylagan | Untv News)

Tags: , ,