Bukas si Senador Grace Poe na tanggapin ang sinasabing hawak na ebidensya na audio recording si Retired Police General Diosdado Valeros ukol sa Mamasapano incident.
Inihayag ni Valeroso na may mambabatas at opisyal ng pamahalaan na magkausap sa nasabing audio recording.
Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon kung ang tinutukoy ni General Valeroso ay sina Peace Process Secretary Terisita Deles at Senator Bongbong Marcos na naging isyu noong nakalipas na taon ay di na ito bago.
Dagdag pa ni Drilon dapat malaman ng lahat na may umiiral na anti-wiretapping law.
Dito isinasaad na labag sa batas ang hindi otorisadong pagrerecord at hindi maaring tanggapin bilang ebidensya sa korte.
Nilinaw naman ni Drilon na wala siyang layon na sikilin ang sinoman ukol sa nasabing audio recording issue at ipinauubaya na nya sa Komite ang desisyon.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: Komite, Mamasapano incident, recorded audio, Sen. Poe