Umano’y planong pangingidnap ng mga teroristang grupo sa Palawan, bineberipika na ng PNP

by Radyo La Verdad | May 10, 2017 (Wednesday) | 3050


Naglabas ng bagong travel advisory ang United States Embassy sa kanilang mga mamamayang nasa bansa.

Kasunod ito ng natanggap nilang impormasyon na may plano umanong magsagawa ng mga pagdukot ang ilang terrorist group sa Palawan.

Partikular na pina-iiwas ang mga US citizen sa pagpunta sa Puerto Princesa City at sa mga lugar malapit sa Puerto Princesa Subterranean River National Park.

Kasalukuyan namang bina-validate ng Philippine National Police ang naturang impormasyon ayon sa tagapagsalita nitong si Senior Supt. Dionardo Carlos.

Samantala, nagsasagawa na ng inter-agency meeting ang Western Command ng Phil. Army na tiniyak na ligtas ang palawan para sa mga lokal at dayuhang bisita

Nananatili rin silang naka-hightened alert.

Maliban umano sa coast guard patrol boats, nakabantay rin sa baybayin ng palawan ang marines at navy maging ang Philippne Airforce helicopter ay regular din umanong nagpapatrolya sa lugar.

Sa kanilang facebook page gumamit pa sila ng hashtag palawan is safe.

Samantala, nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines na wala silang namomoniotr na anumang banta ng terorismo sa Palawan.

Subalit may banta man o wala patulioy ang kanilang pagbabantay sa lahat ng isla sa bansa.

Pinayuhan nila ang publiko na maging kalmado at maging mapagmatyag.

Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, dapat seryosohin ng AFP at PNP ang impormasyong nakuha ng US embassy patungkol sa posibleng kidnapping ng mga turista sa palawan.

(Grace Casin)

Tags: , ,