Nakaposas ng dumating sa mababang kapulungan ng kongreso ang Chinese fugitive na si Wang Bo kaninang pasado alas-onse ng umaga mula sa Bureau of Immigration facility authority sa Taguig.
Sa pagharap nito sa pagdinig agad niyang itinanggi na siya ay nanuhol ng 100-milyong piso sa mga opisyal ng Bureau of Immigration para hindi sya i-deport sa China o nakipag-usap sa mga opisyal ng Liberal Party.
Sa pagdinig kinumpirma ni DOJ Secretary Leila de Lima na sa resolusyon na inilabas ng DOJ noong June 8, ipinade-deport na muli sa China si Wang Bo, at binaligtad ang may 21 Bureau of Immigration board decision.
Subalit bago i-deport ang Chinese fugitive kailangan munang matapos ang mga imbestigasyon na isinasagawa ng Kamara at NBI kay Wang Bo.
Ayon sa kalihim naiwasan sana ito kung hindi binawi ng BI ang deportation order kay Wang Bo at kung agad ibinalik ang naunang desisyon ng Bureau of Immigration Board.
Kasama sa iimbestigahan ng Special Investigating Team ng NBI ang mga opisyal ng BI na si Commissioner Sigfred Mison, Associate Commissioners Abdula Mangotara at Gilbert Repizo.
Dumalo sa pagdinig ang Manila Standard Reporter na sumulat ng executive report tungkol sa umano’y isyu ng suhulan, ngunit tumanggi itong pangalanan ang kanyang source.
Ipinako-contemp ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga si Manila Standard Reporter Christine Herrera kung hindi nito ibibigay ang mga pangalan ng kanyang source at mga kongresistang umano’y umamin sa kanyang nakatanggap ng suhol upang bomoto pabor sa Bangsamoro Bill.
Tags: Bureau of Immigration, Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Commissioner Sigfred Mison, DOJ Secretary Leila de Lima, Wang Bo
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com