Muling sumailalim sa cross examination ng abugado ni Senador Jinggoy Estrada ang NBI Special investigator na si Dario Sabilano sa fifth division ng Sandiganbayan.
Si Sabilano ang nagsagawa ng forensic examination sa hard drive ni PDAF Scam Whistleblower Benhur Luy.
Sa pagdinig, tinanong ni Atty. Paul Arias si Sabilano kung ano ang dahilan ng pakikipag-usap nito nang sarilinan kay Asst. Prosecutor Peter Boco sa hagdanan malapit sa courtroom bago mag-umpisa ang bail hearing ni Sen. Estrada kahapon.
Si Boco ang isa sa mga abugado ng prosekusyong naitalaga sa kasong plunder at graft ni Senador Estrada at Napoles sa fifth division ng Sandiganbayan.
Kinuwestiyon din ni Atty. Arias si Sabilano kung ano ang pinag-usapan nila ni Boco at kung sino-sino pangprosecutor ang kinausap nito nang magtungo sa Office of the Special Prosecutor noong nakalipas na biyernes ng umaga.
Sinabi naman ni Sabilano na ang mga kasong may kaugnayan sa forensic examination ng hard drive ni Luy ang punto ng pinag-usapan nila at hindi lamangtungkol sa kaso ni Sen. Estrada.
Ginawang batayan ni Atty. Arias ang nakasulat sa code of professional responsibility na hindi nararapat makipag-usap ang isang abugado sa kaniyang witness kung ito’y under examination pa at habang naka-break o naka-recess ang pagdinig.
Pinunto naman ng isa sa mga Justice ng fifth division na si Justice Alexander Gesmundo na hindi nangyari ang pag-uusap ng dalawa habang break o recess ng hearing.
Subalit pinagsabihan naman ng hurado ang prosekusyon na dapat ding maging transparent ito sa defense panel o mga abugado ng akusado kung may gagawing pakikipagusap sa kanilang mga testigo.
Sa susunodna Lunes, angabugadonani Janet Lim Napoles ang magsasagawa ng cross examination sa NBI Witness upang muling kwestyunin ang kredibilidad ng hard drive ni Luy ang isa sa pinakamatinding ebidensya ng prosekusyon laban sa mga akusado ng PDAF Scam. ( Rosalie Coz / UNTV News)
Tags: Atty. Paul Arias, Dario Sabilano, Justice Alexander Gesmundo